Higit sa mga Tala

Minahal na Kita, noon pa, simula pa nung una. Mahal Kita higit pa sa alam mo. Ikaw ang gusto Ko. Ikaw ang nais Ko.

Sobrang tagal ng hinintay Ko para lamang makuha ang pag-ibig mo. Magpa-hanggang sa ngayon nga, naghihintay pa rin Ako.

Dinala Kita sa lugar na alam Kong magiging masaya ka, ngunit higit pa sa alam mo, may plano Ako para sa’yo. Mali ka nung inisip mong hindi ka sana kasama rito. Kung alam mo lang, lahat ng ito, para sa’yo ‘to.

 

Mahal Kita, tangi Ko. Mahal Kita.

 

Mula sa araw na iyon, higit ang saya Ko. Hindi Ko mapigilang ipinta ang tamis ng bawat ngiti Ko sa pananabik sa mga araw na susunod.

 

Pagkat Akin ka. Akin ka.

 

greg-rakozy-38802

Hindi Ko nais na muli ka pang pakawalan, pagkat mula noon na ipininta Ko ang mundo at isinulat ang istorya mo, ikaw ang paborito Ko.

 

Wala na Akong ibang hangad pa. Ikaw ang nais Ko, ang tangi Ko.

Bakit ako aalis? Sinabi Ko namang hindi Ako lilisan kailanman sa tabi mo.

 

Mahal Kita, sinta Ko.

Mahal Kita. Higit pa sa alam mo.

Leave a comment

close-alt close collapse comment ellipsis expand gallery heart lock menu next pinned previous reply search share star